Ako’y nakaupo sa paborito kong silya
Nakabungad ang babasahin
Na kung titigan pa lang ako’y nahihilo na
Araw-araw nalang ganito
Kailan pa ba matatapos ‘to?
Pero nagpagtanto ko
Ilang taon pa ang titiisin ko
Apat kung maswerte
Lima, anim, pito
Ayaw ko ng bilangin
Naaalog na ang utak ko
May lalaking nasa aking tabi
Halaman ang nakapagitan
Di ko mawari
Pero may iba akong naramdamam
Sa nakaw na tingin
Meron akong napansin
Sa aklat mo may larawan ng gitara
Simula noon, sa silid-aklatan ako’y namamalagi na
Ilang umaga na napakaaga ko
Wala pang ibang tao
Kailangang magsunog ng kilay
Para di naman mapag-iwanan
Nagbago ang lahat
Nang isang araw matagal akong nagising
Ang aking paboritong silya
May ibang nahumaling
Hindi ako hiyang sa bago kong upuan
Sanay ako sa pwestong nakalagian
Anong magagawa ko?
Nasabi ko na lang,
Lord may rason ka siguro
Kung bakit ako nakaupo dito
Kailangan kong tanggapin
Na may bago na akong pwesto
Wala na atang plano lumipat ang babae
Na umagaw sa upuan ko
Lagi siyang maaga
Nauunahan ako
Isang hapon
Hala! Lord, bigla na lang!
‘Eto na ata ang rason mo
Yung tinukoy ko nung minsan
Tumabi siya sa akin
At nang araw ding yun nasabi ko
May crush na ‘ko, mas gaganahan na kong mag-aral nito
Hindi makagalaw
Akala ko ba magbabasa ako?
Bakit di ko namamalayang abot tenga na ang ngiti ko
Pasulyap-sulyap
Nahahalata na kaya?
Baka sabihin niyang weirdo ako
Sige lang, balang araw malalaman ko rin ang pangalan mo
Magaling nga lang siguro akong magresearch
Di nagtagal kilala na kita
Pero ako sayo hanggang estranghero lang ata
Sa aking pananaliksik
Ako’y sobrang bumilib
Nang makita ang galing mo sa pagtugtog
Wala akong masabi
Ako’y napanganga
Ang galing mo talaga
Kaya pala sa aklat mo may gitara
Tama na
Ako nalang ay patuloy na hahanga
Hanggang sa mapansin mo
Kailan pa kaya?