Monday, September 24, 2012

Pause

Sa araw na 'to wala ka
Mabuti na rin 'to
'Di ako magsasawa
Ang sakit ng tyan ko
Wala pa nga ang mga paru-paro
Na iyong mga alaga

Pagod na 'ko sa kakabasa
Wala na nga yata itong katapusan
Pero sana naman
Magkaroon ako ng dahilan
Na di sumuko
Sa buhay kong ewan

Kailangan ko ng inspirasyon
Para ako'y mabuhayan naman
Desperada ba 'ka mo?
H'wag namang ganyan
Nakakainis lang
Ako'y laging lutang

Pwede 'pause' muna?
Pakiramdam ko kasi ang bilis-bilis na
Kakatapos nga lang ng isang exam
Pasa ba o bagsak
'Yan ang 'di ko alam
Sangkatutak na naman
Ang aking paghahandaan

Ikaw, kailan ka darating?
H'wag naman sana
Kapag ako'y nahihimbing
H'wag mag-alala
Hangga't kaya pa
Hihintayin kita

No comments:

Post a Comment